Wednesday, September 8, 2010

A New And Better Way (The People's Anthem)



"A New And Better Way (The People's Anthem)" ay ang english version ng "Handog Ng Pilipino Sa Mundo". Ito ay produced ni Jim Paredes and arranged by Eddie Munji. Na-released ito ng Riva Records at distributed ng WEA noong 1986 para sa fund raising ng rehabilitation ng Radio Veritas, Manila. Ang fund raising na nabanggit ay pinangunahan noon ni Jaime L. Cardinal Sin, Archibishop ng Manila.

Kabilang sa mga nagparticipate na mga OPM artists sa version na ito ay sina: Edru Abraham, Apo Hiking Society, Gretchen Barretto, Lester Demetillo, Subas Herrero, Inang Laya, Kuh Ledesma, Leah Navarro, Joseph Olfindo, Noel Trinidad and Ivy Violan.

Sa taga Australia ko ito nabili:



Tuesday, August 17, 2010

Japayuki by Marites Temple


Kapag nga naman sinuswerti... he he he... ang sarap ng feeling na makahanap ka ng isa sa mga napakailap na kanta. Ang tinutukoy ko ay ang "Japayuki" ni Marites Temple.
Ang kaibigang kong si Bobbylon ang naghahanap nito kaya naman ang laking tuwa ko dahil hindi single na plaka ang nakuha ko kundi ang buong album niya:



Album: Japayuki
Artist: Marites Temple
Label: Ivory Records
Year Released: Not Indicated (bakit?)
Executive Producer: MVT International
Producer: Vehnee Saturno ( most of the tracks)

Tracks:
01. Japayuki
02. Ikaw
03. Huling-huli Ka
04. Ewan Ko Nga Ba?
05. Balikbayan
06. Sa Iyo Lamang
07. Kahit Minsan Lang
08. Gotta Do It

Friday, August 13, 2010

Ba't Di Mo Sabihin by Donna and Tony Lambino (1991)


Kung napanood mo ang Darna noong 1991 na si Nanette Medved ang bida, sigurado ko naging memorable sa iyo ang kantang "Ba't Di Mo Sabihin" by Donna and Tony Lambino. Nakuha ko ang plaka nito noong last year pa pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na ibahagi ito sa blogspot ko.

Nauna ko nang nai-post ang "Ba't Di Mo Sabihin by Donna & Tony Lambino sa multiply noon pang October 15, 2009: http://emv710.multiply.com/music/item/1618/

Eto yong pinagkuhanan ko ng kantang ito (wala pa kasi akong makuhang album nito):


45rpm Single: Ba't Di Mo Sabihin
Artists: Donna and Tony Lambino
Composer: Vehnee Saturno
Label: Viva Records
Year Released: 1991
Country: Philippines
Taken from Darna Soundtrack Album

Ba't Di Mo Sabihin by Donna and Tony Lambino Lyrics:

Kahit di mo pa sabihin
Kahit di mo pa aminin
Kitang-kita ko na nagmamahal ka
Bawat titig mo sa akin
Ay ligaya sa damdamin
Bakit di masabi ang nadarama
Di nawawaglit sa isip
At maging sa panaginip
Ala-ala mo na nagpapasabik
Pag ikaw ay nakikita
Sa damdami'y kay ligaya
Nais ko'y lagi kitang kasama

Sana sa damdamin mo'y ako
Ang hinahanap ang tinatawag ng puso
Ngunit tila di mo marinig
Ba't di mo sabihin ako ang yong pag-ibig

Di nawawaglit sa isip (di nawawaglit)
At maging sa panaginip
Ala-ala mo na nagpapasabik
Pag ikaw ay nakikita (pag nakikita ka)
Sa damdami'y kay ligaya
Nais ko'y lagi kitang kasama

Sana sa damdamin mo'y ako
Ang hinahanap ang tinatawag ng puso
Ngunit tila di mo marinig
Ba't di mo sabihin ako ang yong pag-ibig
Sana sa damdamin mo'y ako
Ang hinahanap ang tinatawag ng puso
Ngunit tila di mo marinig
Ba't di mo sabihin ako ang yong pag-ibig
Ba't di mo sabihin ako ang yong pag-ibig
Ba't di mo sabihin ako ang yong pag-ibig

Saturday, June 19, 2010

Harana by Tony Lambino


"Harana" by Tony Lambino? Di ba sa Parokya yan?

Konti lang ang nakakaalam na ang "Harana" na pinasikat ng Parokya ni Edgar ay unang kinanta ni Tony Lambino. Si Tony Lambino ay isa sa mga original na members ng grupong Smokey Mountain. Ang awiting ito ay original na composition ni Yappy Yaptengco.

Kanina ko lang nakita ang live performance ni Tony Lambino sa YouTube kaya naisip ko na simulan ko na din ang blog kong ito para sa mga musikang Pinoy na sa aking palagay ay dapat lang malaman ng ating mga kababayan. Sana ay makaambag ang inyong abang lingkod sa layuning ito.

Ang "Harana" by Tony Lambino ay dito ko nakuha sa album niyang First Note on tape :



Nauna ko nang nai-post ang "Harana" by Tony Lambino noong pang SEPTEMBER 10, 2009 sa aking multiply site:

http://emv710.multiply.com/music/item/1609/Harana_by_Tony_Lambino


Narito yong live performance ni Tony Lambino sa YouTube posted by loyesp: